CENTRAL MINDANAO – Pinangunahan mismo ng Rotary Club of Midsayap, Cotabato ang pamimigay ng mga hands free sanitizer distribution project sa mga pagamutan at mga tanggapan sa unang distrito ng probinsya ng Cotabato.
Libreng hands sanitizer ang inabot ng rotary of Midsayap sa Aleosan District Hospital, Municipal Trial Court, Regional Trial Court, Old Bagsakan (temporary market, Rural Health, Bahay Paanakan, Tennis Court, Amado Diaz Provincial Hospital, mga police station at Land Transportation Office (LTO).
Ang pamimigay ng hands sanitizer ng Rotary Club of Midsayap ay para makatulong sa pagsugpo ng Coronavirus Disease (Covid-19).
Ang lahat ng mga myembro at opisyal ng organisasyon ay nagkaisa para makatulong sa kapwa lalo na ngayon ng panahon ng pandemya.
Pinuri naman ng mga lokal na opisyal sa probinsya ang inisyatibo ng Rotary Club of Midsayap na makatulong kontra COVID-19.
Nagpasalamat naman si Rotary Club of Midsayap President Wilson Cortez kay Jerson Pinongcos sa pagbuo at pag-akomodar sa mga inorder na hands-free sanitizer dispenser at Divine Lim sa pagbibigay ng sanitizer solution.