Kinumpirma ng pamunuan ng Manila Electric Company o Meralco na maaari silang magpatupad ng rotation power interruption kung kakailanganin.
Dahil sa planong ito ay maapektuhan naman ang milyong customers ng kanilang kumpanya.
Ngayon palang ay nanawagan na ang Meralco sa kanilang mga commercial at industrial customer na kabilang sa Interruptible Load Program na magtipid o magbawas sa kanilang konsumo sa kuryente.
Nakapaloob sa programang ito na kapag ang isang malaking kumpanya ay gumagamit ng malaking kuryente, kinakailangan muna na hindi ito kumuha ng kuryente mula sa kahit anong grid.
Nanawagan din ang Meralco sa kanila na maghanda sa posibleng pagpapatupad ng Manual Load Dropping o rotational power interruptions sakaling magkaproblema sa supply ng kuryente.
Kung maaalala, muling isinailalim sa Red at Yellow Alert status ang Luzon Grid kahapon.
Hinikayat din ng Meralco ang kanilang mga konsumer na magtipid ng kuryente lalo nat mataas ang demand nito dahil sa mainit na panahon.