Nagpaliwanag ang Department of Energy (DOE) matapos ang magkasabay na deklarasyon ng yellow at red alert warning ngayong araw sa Luzon Grid, kung numipis na naman ang reserba ng kuryente.
Ayon sa DOE, dulot ito ng mataas na projected system demand at outage sa ilang planta ng kuryente sa Pangasinan, Quezon at Batangas.
May ilang power stations din umano ang nagbigay daan sa rotation ng supply.
Unang naranasan ang red alert nitong alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.
Muli rin daw ninipis sa parehong level ang kuryente ngayong ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.
Samantala, apat na beses namang mararanasan ang pagnipis ng supply sa ilalim ng yellow alert.
Nauna ng kaninang alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga; na sinundan noong ala-11:00 hanggang ala-1:00 ng hapon.
Sunod na schedule nito ay alas-4:00 hanggang alas-5:00 mamayang ngayong hapon, at mamayang alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Batay sa monitoring ng DOE nasa 827-megawatts ang inaasahang mawawala ngayong araw.
Tiniyak naman tanggapan, na walang inaasahang power interruption para sa mga customer ng Manila Electric Company (Meralco) sa maghapon, maliban na lang kung hindi makakapag-ipon ng kahit 130.4-megawatts ang mga planta hanggang alas-4:00 ng hapon.
Pinaalalahan ng Energy department ang publiko na ihanda na ang kani-kaniyang self-generating facilities para hindi mahirapan sa oras ng brownout.
Patuloy naman daw ang monitoring ng kagawaran at energy players sa taas ng demand sa mga planta ng kuryente.
“The DOE, through its Energy Utilization Management Bureau (EUMB) reiterates the importance of its SAVE SAVE SAVE energy efficiency campaign, not only to incur more savings, but also to ensure uninterrupted electricity services this summer season.”