-- Advertisements --

Mararanasan ng mga electric consumers ng Luzon ang rotational brownouts hanggang sa Hunyo 7.

Sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) spokesperson Cynthia Albanza na patuloy pa ring nakataas ang red and yellow alert status sa Luzon grid.

Maliban lamang aniya sa weekend na kaunti ang demand ng kuryente.

Ito aniya ang kanilang ginagawa para mapanatili ang integridad ng kanilang power system.

Kapag makabalik na aniya ang makapal na suplay ng kuryente ay matatanggal na ang rotational brownout na nararanasan.