Kinalampag na ng isang senador ang concerned energy officials kasunod ng patuloy na pagnipis sa supply ng kuryente na nararanasan ng buong Luzon.
Sa isang statement tinawag ni Senate Committee on Energy chairperson Sen. Sherwin Gatchalian ang pansin ng mga opisyal para kumilos at huwag ng hintayin pang lumala ang sitwasyon sa kuryente ng rehiyon.
Hindi umano katanggap-tanggap ang naranasang rotational brownout ng mga residente sa Luzon nitong nakalipas na mga araw.
“The brownouts felt by our constituents in Luzon these past few days is totally unacceptable,” ani Gatchalian.
Naunang ng sinabi ng Department of Energy (DOE) na may sapat na reserba ng kuryente ang mga stakeholders para sa panahon ng tag-init at tagtuyot.
Ani Gatchalian, karapatan ng mga consumer na malaman ang katotohanan sa likod ng sitwasyon ngayon ng power sector ng bansa.
“Definitely, heads must roll this time. We owe it to the power consumers to give them accurate information on the power situation in the country. Mukhang na-overestimate ng DOE ang available capacity ng kuryente natin,” ayon sa senador.
Nanawagan ang mambabatas na magkaroon ng pagdinig ang mataas na kapulungan hinggil sa issue.
“Our power consumers deserve nothing but accurate information. Ang DOE ang pangunahing ahensya na dapat nagbibigay ng wasto at sapat na impormasyon upang makapaghanda ang ating mga kababayan. Kaso mukhang na-fake news tayo ng DOE sa pagkakataon na ito.”
Pinaalalahanan din nito ang DOE na silipin ang posibilidad na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga stakeholders kaya numipis ang energy supply.