-- Advertisements --
Hinikiyat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga trainees ng Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) na tumulong sa pagbibigay ng mga relief goods na apektado ng ipinatupad na quarantine dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa pangulo na dapat makipag-ugnayan ang mga kadete ng ROTC sa mga Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang mga lugar.
Ipakita lamang ng mga ito ang kanilang mga accreditation gaya ng ID para makatulong.
Nauna ng sinabi ni pangulo na mas maganda ang mga bata na tumulong sa pagbibigay ng mga relief goods dahil sa may idealismo pa ang mga ito at tiniyak pa nito ang kaligtasan ng mga ito.