-- Advertisements --

Pumayag na si Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay Mayor Abraham Tolentino sa hosting ng Philippine Reserve Officer Training Corps Games para sa Luzon, NCR Leg at National Championships.

Ang naturang sporting event ay sa kolaborasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Reserved Command.

Para sa Luzon at NCR Leg, nakatakda ito mula July 28 hanggang Agosto 3, 2024. habang ang National Championship stage ay mula Agosto 18 hanggang Agosto 24, 2024.

Pumirma na rin ng memorandum of agreement si Mayor Tolentino kasama sina Maj. Gen. Romulo Manuel, commander ng Philippine Navy Reserve Command at Brig. Gen. Vicente Ronatay Jr, commander ng AFP Reserved Command for the ROTC Games 2024.

Ang naturang sporting event ay inaasahang dadaluhan ng humigit-kumulang 1,000 student-athletes na maglalaban-laban sa iba’t-ibang mga event.

Layunin ng ROTC games na mai-angat ang pagtangkilik ng mga kabataan sa ROTC sa pamamagitan ng friendly sports competition, makadiskobre ng mga bagong manlalaro, at mapataas ang sportsmanship sa mga kabataang manlalaro.