Inalmahan ng mga student at youth organizations ang kontrobersyal na Reserved Officers’ Training Corps Games na nagpapatuloy ngayon sa Iloilo City kung saan ang mga delegado ay mula sa Region VI, VII, at VIII.
Ito ay kasunod ng memorandum of agreement na pinirmahan ng West Visayas State University, Armed Forces of the Philippines, Commission on Higher Education at Iloilo City government na nag-schedule ng sporting events mula Agusto 13 hanggang Agusto 19.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jiezel Maglalang, Chairperson ng League of Filipino Students, sinabi nitong ang controversial games ay precedent ng Mandatory Reserve Officer Training Corps na mariin umanong tinututulan ng grupo.
Sa unang araw ng balik-eskwela sa naturang unibersidad, hiling rin ng mga mag-aaral na maglaan ng mas mataas na budget sa education sector sa halip na tutukan ang mandatory Reserve Officers Training Corps.
Narito ang unity statement ng mga youth at student organizations sa unibersidad.
Nanindigan naman ang Armed Forces of the Philippines na ang Reserve Officers Training Corps Games 2023 ay paraan para ma-realize ng mga mag-aaral kung ano ka importante ang kanilang papel sa komunidad.
Ayon kay Major General Joel Alejandro Nacnac, Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs sang Armed Forces of the Philippines, sinabi nitong paraan rin ito na mabigyan ng importansya ang naturang programa ng militar na kabilang rin sa priority measures ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.