Naibenta sa halagang halos $200,000 o mahigit P10-milyon ang sunglasses ng music icon na si John Lennon, na minsan nitong naiwan sa back seat ng isang kotse.
Ang naturang salamin ay nasa pag-aari na ni Alan Herring na chaffeur ng drummer ng The Beatles na si Ringo Starr at kabandang si George Harrison.
“In the summer of 1968 I had picked John up with Ringo and George in Ringo’s Mercedes and driven the boys into the office,” kuwento ni Herring sa isang pahayag na inilabas ng Sotheby’s auction house.
“When John got out of the car I noticed that he’d left these sunglasses on the back seat and one lens and one arm had become disconnected. I asked John if he’d like me to get them fixed for him. He told me not to worry they were just for the look!”
Ayon pa kay Herring, hindi niya na raw pinaayos ang salamin, na tumabo ng $183,500 sa online auction.
Kabilang din sa sale ang iba pang Fab Four collectibles, kabilang ang isang hippy necklace na sinuot ni Harrison na nabili sa presyong mahigit P600,000.
“For my family’s sake it makes sense for me to say goodbye to my collection now while I can still tell all the stories behind everything,” ani Herring. (AFP)