-- Advertisements --
Nabigo ang pambato sa rowing ng bansa na sina Edgar Ilas at Zuriel Sumintac na makapasok sa medal race ng Asian Games sa Hangzhou, China.
Ito ay dahil sa nagtapos lamang sila ng pangatlong puwesto sa lightweight men’s double sculls sa Fuyang Water Sports Center.
Nagtala ang dalawa ng seven minutes at 10.97 seconds na ilang segundo lamang sa second runner ups na sina Masayuki Miyaura at Masahiro Takeda ng Japan.
Ang nasabing torneo ay napanalunan nina Arjun Lal jat at Arvind Singh ng India.
Tanging ang top 2 kasi ang kuwalipikado sa medal race.
Hindi rin nagtagumpay ang babaeng rowers din ng bansa na sina Feiza Jane Lenton at Kharl Sha ng mabigo sila sa lightweight women’s double sculls at nakapagtapos sa ikaapat na puwesto.