ROXAS CITY – Papaimbestigahan ng Police Regional Office (PRO) VI ang ilang opisyal sa lalawigan ng Capiz dahil sa paglabag umano ng mga ito sa guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ayon sa PRO-VI, kabilang sa mga papaimbestigahan ay sina Roxas City Mayor Ronnie Dadivas at Iloilo First District Board Member Marcelo Valentine Serag dahil sa pagharang daw ng mga ito sa operasyon ng pilisya sa mga border checkpoints.
Napag-alaman na nagpadala na ng sulat si Regional Director Police Brigadier General Rene Pamuspusan kay DILG Secretary Eduardo Año patungkol dito.
Iginiit ni Pamuspusan sa naturang liham ang paglabag sa guidelines ng IATF-EID ni Dadivas matapos na hindi nito pinayagang makapasok sa lungsod ang mga deliveries ng basic commodities.
Inaakusahan naman din nila si Serag nang pagmumura sa mga pulis na naka-duty sa security checkpoint sa lungsod.