Nanguna si Liberal Party senatorial candidate Mar Roxas sa pinakamaraming nagastos sa katatapos na halalan.
Base sa isinumite nitong Statement of Contribution and Expenditure (SOCE) sa Commission on Elections (COMELEC) na umabot sa P179,193,153.04 ang kabuuang nagastos nito.
Mayroong kabuuang P12 million ay mula sa personal na pondo nito habang P167,050,000 ay mga natanggap nitong contributions sa kampanya.
Nanguna naman si re-elected Senator Cynthia Villar sa pinakamaraming nagastos mula sa sariling bulsa nito.
Umabot kasi sa P135,539,061.69 ang ginastos nito sa kaniyang kampanya noong May 13 midterm elections.
Habang si incoming senator Christopher Bong Go ay nanguna sa senador na mayr pinakamaraming donasyon na natanggap noong halalan.
Umabot kasi sa kabuuang P161,418,299.31 ang nakuha nitong donasyon.