-- Advertisements --

Nagbanta si dating four-division world champion Roy Jones Jr na umatras sa laban niya kay Mike Tyson.

Ayon sa 51-anyos na boxer, nakakadismaya ang nasabing paglipat ng petsa sa nasabing laban.

Mula kasi sa dating Setyembre ay inilipat ang laban sa Nobyembre.

Ang nasabing paglipat ng petsa ay para makalikom pa ng mas maraming sponsor para sa nasabing laban.

Isang uri ng pay-per-view ang nasabing 8-round boxing ng dalawa.