-- Advertisements --
Target ni dating heavyweight boxing champion Roy Jones Jr, na makalaban sa 2021 si dating UFC middleweight world champion Anderson Silva.
Sinabi ng 51-anyos na boksingero, kahit na nagtapos lamang sa draw ang laban niya kay Mike Tyson ay pinatunayan nito na kaya pa niyang lumaban.
Natalo kasi sa pito sa siyam na huling laban ng 45-anyos na si Silva na mayroong record na 34 panalo at 11 na talo.
Dagdag pa ng trainer ni Jones na si Tom Yankello na isang magandang laban para sa alaga nito ang pagharap niya kay Silva.
Sakaling pumayag si Silva ay hindi agad silang magdadalawang isip na ituloy ang nasabing laban.
Naniniwala rin si Yankello na mayroong rematch si Jones kay Tyson sa sususnod na taon.