Nagpakita na sa publiko sa unang pagkakataon si King Maja Vajiralongkorn, ang bagong hari ng Thailand matapos ganapin ang kanyang 7 Kilometer Royal procession
Nagsimula ang kaniyang prusisyon sa Grand palace at nagtapos sa tatlong Buddhist temples sa Bangkok.
Nakasakay siya sa isang golden palenquin at siya’y buhat-buhat ng labing anim na kalalakihan na nakasuot ng kulay orange.
Ang parada ay sinamahan din ng ilang mga cavalry soldiers, marching bands, at mga royal guards.
Libo-libong mga well-wishers din ang nakilahok sa nasabing procession, sila ay nakasuot ng kulay yellow na nagrerepresenta sa royalty ng hari.
Si King Vajiralongkorn ang naging successor sa trono ng kanyang ama na si King Bhumibol Adulyadej na pumanaw noong October 2016 matapos ang 70 taong paghahari sa Thailand. Ngunit, dalawang taon na siyang namumuno magmula nang mamatay ang kaniyang ama.