-- Advertisements --
Sumakabilang buhay na ang kapatid nina Robin Padilla at BB Gandanghari na si Royette Padilla sa edad na 58-anyos.
Ito ang anunsyo ng kanilang kapatid na si Rebecca sa Facebook.
“Please whisper a prayer for our brother. A silent prayer for his eternal peace, please,” saad sa caption.
Sinasabing namatay si Royette dahil sa atake sa puso.
Nakilala si Royette sa mga karakter na ginampanan nito sa mga pelikula noong dekada 90 tulad ng “Di na Natuto (Sorry na, Puede ba?)” at “Mistah.”
Naging bahagi rin si Royette ng mga pelikulang “Buhay Kamao” (2001) at “Alab ng Lahi” (2003).