Pinatikim ng Charlotte Hornets ng ikalawang sunod na talo ang NBA depending champion na Toronto Raptors, 99-96.
Naging susi sa panalo ng Hornets ang free throw ni Terry Rozier kung saan may 2.1 seconds na lang ang nalalabi.
Para sa Hornets ito naman ang ikalawa nilang panalo na itinuturing nilang big win.
Napagwagian ng Charlotte ang lima sa huli nilang pitong mga laro.
Sinamantala rin ng Hornets (21-38) ang kakulangan ng Raptors (42-17) star players sa katauhan nina Fred VanVleet at Serge Ibaka dahil sa injuries.
Nagsama naman ng puwersa sina Rozier na may 18 points, Miles Bridges na nagdagdag ng 17 at si P.J. Washington ay nag-ambag ng 15.
Ang lahat ng Hornets starters ay pawang may double figures.
Sa kampo ng Raptors si Pascal Siakam ay may 24 points at Kyle Lowry naman ay nagpakita ng 21 points.
Ang next game ng Hornets ay laban sa top team na Milwaukee Bucks sa Lunes.
Ang Raptors ay magsisimula ng kanilang five-game road trip sa Denver.