-- Advertisements --

Tuloy pa rin ang Joint Balikatan Exercises sa pagitan ng tropang Amerikano at ating mga sundalo sa susunod na buwan ng Abril.

Ayon kay AFP chief of Staff, Gen. Eduardo Ano na walang mababago rito dahil bahagi ito ng commitment para sa pagpapa unlad ng kapabilid ng magkabilang panig sa larangan ng pagtugon sa ibat ibang sitwasyong pang seguridad at sa dissaster and humanitarian assistance.

Sinabi ni Ano, sa May 19, 2017 ang closing ceremony ng balikatan exercises.

Imbitado naman ang tropa ng Japan bilang mga observer.

Matatandaan na nagdulot ng pagkalito ang nauna nang pahayag noong isang taon ni Pangulong
Rodrigo Duterte sa pagkontra nito sa Estados Unidos kaya inakalang pati ang joint military exercises sa pagitan ng tropang Amerikano at Filipino ay kanselado na rin.

Sa kabilang dako, nilinaw ni Defense Sec Delfin Lorenzana na hindi apektado ng pahayag ng pangulo ang balikatan exercises kaya hindi ito mauunsyame.