-- Advertisements --

Magkakaroon ng joint drill ang mga sundalong Pilipino at Amerikano malapit sa Benham Rise bilang bahagi ng taunang joint Balikatan military exercises na magsisimula na sa susunod na buwan kung saan ilulunsad ang naval disaster drill sa may karagatan ng Casiguran Aurora.

Ayon kay Balikatan Spokesperson Maj. Frank Sayson na nakatutok ang RP-US Balikatan sa humanitarian response drills na tinawag bilang Civil-Military Activities from the Sea (CMA-S).

Magiging bahagi din sa Balikatan exercises ngayong taon ang Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Sayson na ang mga barko ng US at ng PCG ay lalayag mula Subic at dadaan sila sa karagatan ng Zambales, Cagayan Valley patungong Casiguran, Aurora para sa launching ng sea-based disaster response scenario.

Tumanggi namang banggitin ni Sayson kung ilang mga assets ang lalahok mula sa Estados Unidos.