BUTUAN CITY – Gagawin sa Siargao Islands partikular sa bayan ng Dapa, Surigao del Norte ngayong Agusto a-19 hanggang a-23 ang Philippine-United States Visiting Forces Agreement and Tempest Wind 2024.
Layunin nito na mapagtibay ang koneksyon at pagtutulungan ng mga armadong pwersa ng dalawang bansa lalo na ang pagtugon sa banta ng siguridad, terorismo at natural calamities.
Kahapon, isinagawa sa Police Provincial Office sa Surigao del Norte ang forum sa may Dapa Sports Complex na dinaluhan ng mga mattaas na opisyal ng kapulisan, kasundaluhan, mga representante mula sa probinsiyal na pamahalaan, mga local government units sa mga bayan ng Dapa at General Luna, mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine Army, at mga non-government organizations ng nasabing lalawigan.
Ang naturang military exercises ay tututok sa mga simulation at field training para sa pagtugon ng krisis, koordinasyon, at mga taktikal na operasyon, na makatutulong sa probinsya sa pamamagitan ng mga ideya na matutunan ng nasabing military exercises.