Kulang-kulang isang buwan bago ang anibersaryo ng “lockdown” bunsod ng coronavirus pandemic, napapabalik-tanaw ang dating host/dancer na si RR Enriquez sa pagpalpak ng noo’y bagong negosyo niya pa lang.
Ayon kay RR o Romyreen Enriquez sa tunay na buhay, isinugal niya ang kanyang P6 million para sa 50,000 pieces ng milk tea sa pag-aakalang papatok din ito tulad sa kanyang existing business na coffee products.
Gayunman, tila “natulog” ang kanyang milyong pisong puhunan dahil mabagal ang naging progress ng pagbenta ng naturang milk tea.
“Correction, mabenta naman sya and sure ako mauubos ito pero need ko maghintay. Unlike sa coffee na pag-deliver sa akin ubos agad,” saad ni Enriquez.
Hindi aniya siya nagyayabang, pero layunin lamang ng pagbahagi ng kanyang pagkakamali ay para magsilbing aral sa mga nagpaplanong mag-negosyo na huwag pabigla-bigla sa ilalabas na pera.