Nak-buwena mano ang TNT Tropang Giga sa bubble opener ng PBA matapos talunin ang Alaska Aces 100-95.
Bumida panalo ng TNT si RR Pogoy na nagtala ng 45 points sa larong ginanap sa Angeles University Foundation sa Pampanga.
Hawak pa ng Alaska ang 16 points na kalamangan sa unang quarter 28-12 hanggang mahabol ito ng TNT pagpasok ng 2nd quarter.
Naging physical ang laro kung saan na-eject pa sa laro si Poy Erram sa natitirang 20 seconds ng third quarter.
Nabigyan kasi ng flagrant foul penalty 1 sa five minutes ng first quarter at sa third quarter ay nabigyan ng technical foul for second motion ng ito ay mag-rerebound.
Nasayang naman ang ginawang 17 points ni Abu Tratter, 15 points ni Vic Manuel at tig-16 points nina Mike Digregorio at Robert Herndon ng Alaska.