-- Advertisements --

Tiniyak ni Gilas Pilipinas player RR Pogoy na ito ay babalik agad sa paglalaro kapag gumaling na ito.

Nakitaan kasi ng kaniyang doctor na mayroon siyang myocarditis isang uri ng sakit na pamamaga ng muscle sa puso na nagdudulot ng paghina ng pagbomba nito ng dugo.

Naramdaman aniya nito ang kondisyon habang sila ay naghahanda para sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Pinayuhan ito ng kaniyang doctor na magpahinga ng hanggang anim na buwan.