Tuluyan ng umatras sa paglalaro sa Asian Games si RR Pogoy.

Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na dahil sa problema sa kaniyang kalusugan kaya umatras na si Pogoy.

Hindi naman na binanggi pa ni Cone ang sakit ng nasabing basketbolista.

Unang plano ni Cone na ipalit si Stanley Pringle sa TNT guard subalit hindi pala kasama sa listahan ng Gilas na naisumite si Pringle.