-- Advertisements --

Pangungunahan ng Presidential Broadcast Staff na RTVM ang pagpapatakbo sa programa ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Hulyo 24.

Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco, na kinumpirma sa kaniya ng Office of the President at Presidential Communications Office na RTVM ang hahawak.

Mayroon aniyang kakayahan ang mga beteranong staff ng RTVM lalo na sa paghawak ng mga coverage sa mga lakad ni Pangulong Marcos Jr.

Magugunitang una ng kumalat na impormasyon na si Presidential Adviser on Creative Communications Secretary Paul Soriano ang magiging direktor ng nasabing programa ng ikalawang SONA na siyang nanguna rin sa programa noong unang SONA rin ni Marcos.

Aabot na aniya sa 95 percent na handa na sila sa paghahanda sa ikalawang SONA ng Pangulong Marcos.