Nakatakdang dinggin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng National Capital Region (RTWPB-NCR) ang panukalang pagtaas sa sahod ng mga mangagawa sa Metro Manila.
Maalalang noong Mayo 24, 2024 ay inihain ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) ang isang petisyon na humihiling na gawing P597 ang minimum na arawng sahod ng mga mangagawa sa NCR.
Itinakda ang naturang pagdinig sa June 20, 2024.
Sa kasalukuyan ay sumasahod ang mga mangagawa ng pribadong sektor sa Metro Manila ng mula P573 hanggang P610 kada araw depende sa sektor at laki ng extablishmiyento.
Umapela naman ang RTWPB sa publiko, mga labor group, at mga employers na magsumite ng mga petisyon ukol o laban sa petisyon ng UWIN bago ang Hunyo-18, 2024, dalawang araw bago isagawa ang public hearing.
Una nang sinabi ng grupong UWIN na ang kanilang panukalang itaas ang minimum wage ay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.