Hinamon ng National Wage Coalition ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – National Capital Region na aprubahan ang 150 pesos ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa NCR.
Ito ay matapos ang isinagawang public hearing kahapon ng NCR wage board sa naturang panukala.
Ayon sa koalisyon, kinakailangang itaas ng wage board ng NCR ang minimum na sahod batay sa proposed legislated wage hike.
Layon nito na kumbinsihin ang kanilang mga kritiko na may kakayahang magbigay ng sahod na naaayon sa living wages ng mga manggagawa.
Ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa ng hindi bababa sa P150 ay ang unang pangunahing hakbang tungo sa pangunahing karapatang mabuhya ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya.
Itinutulak ng labor sector ang pagpasa ng P150 na batas na dagdag sahod ng House of Representatives at ng Senado.
Kaugnay nito, sinimulan na ng wage board ng NCR ang proseso ng pagsusuri sa sahod sa oras para sa ika-16 na anibersaryo ng Hulyo ng huling wage order sa Metro Manila.