-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng pagpupulong ang Cotabato Rubber Trading and Auction Center (CRTAC) sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist.

Sentro ng naging pagpupulong ang issues and concerns hinggil sa operasyon ng mga rubber bagsakan centers at diskusyon hinggil sa pestaloptiopsis o leaf fall disease on rubber.

Nagpasalamat naman si OPAg managing consultant Engr. Eliseo M. Mangliwan sa mga bumubuo ng rubber bagsakan centers sa pagsisikap nito na matulungan ang rubber farmers sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang rubber cup lumps sa magandang presyo.

Nagbigay naman ng mensahe si Board Member Jonathan M. Tabara, kung saan binigyang diin nito ang malaking suporta ni Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza sa CRTAC na malaki ang naging kontribusyon sa magsasaka ng goma sa lalawigan.

Kasama sa naturang pagpupulong sina Acting Division Chief Crops Division Fidel C. Raya,

Bagsakan Centers Focal Person Engr. Vicente Arances, Agriculture consultant and focal person Caled Aaron C. Fabila at mga opisyales ng bawat bagsakan centers ng probinsya.