Nag-alok ng tulong ang Philippine Navy sa Chinese rubber boat na sumabit sa may fishing line sa Ayungin shoal habang binubuntutan nito ang barko ng PH patungong Ayungin shoal subalit tumanggi ang China sa halip ay sinisi pa ang tropa ng PH sa insidente.
Ayon kay Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isa sa Rigid Hull Inflatable Boats ng China ang sumabit sa fishing line.
Aniya, ang China pa ang may ganang i-challenge ang radio message ng PH kung saan dahil umano sa maniobra ng Philippine Coast Guard kaya nalagay sa ganoong problema ang Chinese Coast Guard vessels.
Tinutulan naman ng AFP ang radio message mula sa panig ng China at tinawag na panibago nanamang sariling narrative ng China na ipapakalat nito sa kanilang mamamayan kaugnay sa insidente.
Kayat mahalaga aniya na maging transparent ang pamahalaan sa kung ano talaga ang nangyayari sa WPS upang mapigilan ang pagkalat ng fake news sa tuwing may inilalabas na sariling narratives ang China.
Una rito, nangyari ang insidente noong Setyembre 7 habang nagdadala ang PH ng mga suplay sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin shoal.