-- Advertisements --

Nagkampeon sa WPA Women’s World 9-Ball Championship sa Hamilton, New Zealand si pinay billiard star Rubilen Amit.

Tinalo ni Amit si Siming Chen ng China sa score na 1-4, 4-2, 4-2, 4-3 para makamtan ang kaniyang ikatlong world title.

Unang nagkampeon ito sa 9-ball at ang huli ay dalawang beses itong nagkampeon sa 10-ball.

Bukod sa trophy ay nagbulsa ito ng nasa $50,000 dahil sa pagkampeon sa 9-ball na sanctioned na World Pool-Billiard Association.