-- Advertisements --

Nasa ibang bansa ang TV-host at komediyanteng si Ruby Rodriguez.

Kasalukuyan kasi na ito ng nagtatrabaho sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.

Sa kaniyang Instagram nagpost ito ng video tungkol sa unang araw niya sa trabaho.

Kasama nito sa California ang anak na si Antoinette.

Binati naman agad ito ng ilang mga kasamahan niya sa showbiz sa bago nitong trabaho.