Nakatakdang magbigay ng $500,000 o katumbas ng humigit-kumulang P25-milyon si All-Star center Rudy Gobert bilang suporta sa iba’t ibang mga grupo na nakatuon sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19).
Matatandaang si Gobert ang kauna-unahang NBA player na nagpositibo sa COVID-19, na nauwi sa pagsuspinde ng NBA sa kasalukuyang season.
Ayon kay Gobert, mapupunta ang ido-donate nitong pera sa employee relief fund ng Vivint Smart Home Arena at sa COVID-related social services relief sa Utah, Oklahoma City, at maging sa French health care system.
“I am humbled by the tireless efforts and care of people around the globe for those affected by COVID-19, especially my own communities of Utah and France, in addition to my appreciation for the state of Oklahoma and my care there, and of course, my Utah Jazz family,” wika ni Gobert.
“I know there are countless ways that people have been impacted. These donations are a small token that reflect my appreciation and support for all those impacted and are the first of many steps I will take to try and make a positive difference, while continuing to learn more about COVID-19 and educate others.”
Sa nasabing halaga, $200,000 ang mapupunta sa mga part-time employees ng home arena ng Jazz; $100,000 sa mga pamilya sa Utah at Oklahoma City na apektado ng coronavirus; at 100,000 Euros sa health care system ng France.
Si Gobert at ang teammate na si Donovan Mitchell ang tanging mga NBA players sa ngayon ang positibo sa COVID-19.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita na si Mitchell tungkol sa kanyang kondisyon, at inihayag na patuloy na bumubuti ang kanyang kalagayan.
“What’s up everybody? Donovan Mitchell here. Just wanted to say thank you to everybody for your continued support, man. It means a lot to me,” wika ni Mitchell sa isang video.
“I feel fine. Things are going well. I’m just taking the proper precautions, as told to me by the health authorities. I have to stay in isolation. So I’m solo in here, playing video games all day. I can’t wait to get back out on the floor in front of the best fans in the world. I really miss playing in front of you guys, and I’ll see you guys soon.”