-- Advertisements --

Boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang komediyanteng si Rufa Mae Quinto matapos ang kasong kinakaharap.

Pagdating niya nitong umaga ng Miyerkules sa bansa ay sinalubong ito ng mga ahente ng NBI sa paliparan.

Nahaharap ang actress ng 14 counts ng paglabag ng Section 8 ng Securities Regulation Code na inihain ng 39 katao.

Sumailalim muna ito sa medico-legal examination bago humarap sa Pasay City Regional Trial Court.

Nakapagpiyansa naman ang actress ng P1.7 milyon para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Ang lahat kasi ng mga kaso nito ay bailable ng P126,000 kada kada.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Mary Louise Reyes, na biktima lamang ang actress dahil tumalbog umano ang tseke na ibinayad ng skincare company.

Naghain naman ang kampo nito ng very urgent na reinvestigation na itinakda sa Enero 9.