-- Advertisements --

Bakas ang excitement ni Ruffa Gutierrez dahil sa wakas ay nakatakda na siyang magtapos sa darating na Hulyo ngayong taon.

Ayon sa 47-year-old beauty queen turned actress, ito ang dahilan kung bakit may mga araw na “absent” siya sa kinabibilangang noontime show.

Nitong Biyernes aniya nang siya ay mag-practicum kaya naging abala sa labis na pag-aaral.

“I’m graduating college in July,” una na nitong pagbunyag. “(It’s) never too late!”

Aminado ito na natagalan siya sa pagiging high school graduate pero maaga naman aniya siyang namulat sa pagtatrabaho sa edad na 13.

Nabatid na kumukuha si Ruffa ng kursong Bachelor of Arts major in Communication Arts sa Philippine Women’s University sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.