-- Advertisements --

Ibinunyag ng actress na si Ruffa Gutierrez na nais ng kaniyang dating asawang si Yilmaz Bektas na muling magpropose at pakasalin ito.

Dagdag pa nito na akala niya na nagbibiro ang dating asawa subalit mukha daw ito seryoso.

Bibisita daw ito sa Pilipinas at itutuloy umano ang nasabing proposal.

Huling nakasalamuha ng dating asawa ang 2 anak nilang sina Venice at Lorin ay noong 2022.

Taong 2003 ng ikasal ang dalawa at matapos ang siyam na taon ay naghiwalay sila.

Karelasyon ngayon ng actress ang dating pulitiko at komedyanteng si Herbert Bautista.