-- Advertisements --

Bagama’t feeling flattered, deny nor confirm si Ruffa Gutierrez sa mga haka-haka ng mga netizen na siya umano ang pinapatungkulan ni Kris Aquino na bagong girlfriend ng kanyang dating nobyo na si Herbert Bautista.

Ayon sa 47-year-old beauty queen turned actress, bakit hindi mismo ang dating magkasintahan ang direktang tanungin kung siya ba ang “beautiful girlfriend” na ini-larawan ni Kris noong kasagsagan ng pagsiklab ng girian nila ni Bistek.

Ito’y matapos ungkatin ng dating Quezon City mayor ang “nakaraan” nila ng dating presidential sister, bagay na inalmahan ng fiance ni Kris na si dating Interior Sec Mel Sarmiento.

Ugat ng pagkaka-link ni Ruffa kay Herbert ay matapos itong mag-post hinggil sa privacy at happiness kung saan hindi aniya lahat ng magagandang bagay sa buhay ay dapat na ibalandra sa publiko.

Tumindi pa ang hula ng mga netizen nang sabihin nitong siya ay “genuinely happy,” na nagkataong kasabay ng patutsada ng “Queen of All Media” sa actor politician.

“Unang-una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng mahal kong entertainment press at sa media, pati na rin sa iba pa, for thinking that I’m the ‘beautiful girlfriend’ Kris Aquino was referring to in her post. At least BEAUTIFUL ang tingin n’yo sa akin at hindi pangit,” saad umano ng anak ni Annabelle Rama sa Abante.

“But seriously, why don’t they question Kris and ask who she was referring to or ask Bistek if he really does have a beautiful girlfriend and who this lady is? I can’t answer that and assume it’s me. That’s all for now,” dagdag nito.

Nabatid na sa nakaraang Valentines Day, inihayag ng Miss World 1993 second runner-up, na focus na lamang siya sa career at dalawang anak nila ng nakahiwalayang Turkish husband, habang hinihintay ang kanyang “Mr. Right.”

Sa showbiz naman, kabilang sa mga naging karelasyon niya ay sina Zoren Legaspi, Aga Muhlach, at John Lloyd Cruz.

Sina Herbert at Ruffa ay gumanap bilang mag-asawa sa hit online series na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.