-- Advertisements --

Kusang humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang actress na si Ruffa Mae Quinto.

Kaugnay ito ng  arrest warrant mula sa Pasay court na hawak ng NBI at una nang sinikap na isilbi laban sa kaniya.

Ayon sa NBI, nakipag-ugnayan ang abogado ni Quinto para sa boluntaryong pagsurender.

Dumating siya sa NAIA mula San Francisco kasama ang pamilya.

Nahaharap si Quinto sa 14 na kaso ng paglabag sa Securities Regulation Code kaugnay ng Dermacare, isang kumpanya na hindi rehistrado upang magbenta ng securities. Nilinaw ng kanyang abogado na hindi ito malaking estafa at ipapakita nila ang ebidensya sa korte.

Inanunsyo ng SEC noong Setyembre 2023 na ang Dermacare ay hindi awtorisadong mag-solicit ng investments.