Pumanaw na ang running legend na si Dick Hoyt sa edad 80.
Nakilala ito sa pagsali sa mga marathon habang itinutulak niya ang anak niyang may cerebral palsy na nasa wheelchair.
Hindi naman binanggit pa ng kampo nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Unang sumali si Hoyt at anak nitong si Rick noong Boston Marathon sa taong 1980.
Natapos nila ang nasabing marathon ng 32 beses.
Hindi gaanong nagsasalita ang anak nitong Rick at nagsimula silang mag-usap gamit ang electronic device.
Noong edad 11 nabanggit ng anak na nais niyang sumama sa marathon na sinasalihan ng ama.
Sinasabi sa ama nito na kapag sumasali sila sa pagtakbo ay tila nawawala ang kaniyang kapansanan.
Nagsimulang sumali sa mga marathon si Dick noong 1977 at halos lahat ng mga takbuhan ay kaniyang sinalihan.