-- Advertisements --
Pansamantalang isinara ng ilang oras ang runway ng Changi Airport sa Singapore matapos makita ang isang drone.
Ayon sa Civil Aviation Authority ng Singapore, agad nilang isinara ang dalawang runway ng paliparan matapos namataan ang lumilipad na drone.
Dahil sa pangyayari ay naapektuhan ang 37 flights at ito ay divert sa Malaysia.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad kung sino ang may-ari ng drone.
Napapaloob sa batas ng bansa na pagbabawal ng pagpapalipad ng drone limang kilometro ang layo sa paliparan.