-- Advertisements --
Binuksan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanilang runway para sa mga recovery flights ng mga local airlines.
Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Ed Monreal, nabuksan ang runway ng ala-6 ng gabi.
Dagdag pa nito na kumunsulta muna sila sa PAGASA at nabigyan sila ng go-signal dahi sa gumaganda na ang kalagayan ng panahon.
Ang nasabing hakbang ay para mabawasan ang maraming bilang ng mga flights na naantala dahil sa pagsasara ng paliparan.
Magugunitang isinara NAIA terminal 1-4 mula 11 a.m. hanggang 11 p.m. nitong Martes dahil sa banta ng bagyong Tisoy.