Hindi kasama sa napinsala ang runway ng airport ng Tuguegarao City ng hagupitin ang lugar ng Bagyong Ompong.
Ito ang kinumpirma ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Art Tugade.
Sinabi ni Tugade, ang napinsala lamang ay ang CAAP office, kasama ang baggage carousel at ang X-ray machine.
Sa ngayon naghahanap na ang kalihim ng technician para gawin ang nasirang X-ray machine o kung hindi ay oorder sila ng bago.
Pero aniya sa mga sumunod na araw posibleng mano-mano muna sila sa inspection.
“Ang na damage sa Tuguegarao Airport ay yung baggage at x-ray baka sa susunod na araw ay mano mano,” wika ni Tugade.
Sa ngayon operational na ang paliparan sa Laoag at Isabela, pero ang Tuguegarao airport ay posibleng sa Martes pa maging operational.
Inihayag din ni Tugade na lubha din ng pinsala ang Loakan Airport sa Baguio City.
Batay naman sa naging obserbasyon ni Tugade na kung ikukumpara sa nakalipas mas mataas ang compliance ng civilian population ngayon.
Giit ni Tugade dapat ma-replicate ito dahil maganda ang samahan ng LGU, civilians, police and military sa paghahanda sa Bagyong Ompong.