Nakahanda na umanong sumabak sa 2023-2024 NBA Season si Russel Westbrook, suot ang Denver Nuggets uniform.
Si Westbrook ay na-trade sa Denver noong kalagitnaan ng Hulyo mula sa Los Angeles Clippers at pumirma ng $6.8 million veteran minimum deal
Sinabi ni Westbrook na dala-dala niya ang kanyang leadership brand sa koponan, hindi lamang sa hard court kundi hanggang sa locker room, kasama ang mga teammate.
Aniya, maaasahan siya sa lahat ng laban ng Denver dahil sa tiyak umanong ibibigay niya ang 100% ng kanyang basketball skills sa lahat ng laban ng koponan.
Samantala, sa unang pagkakataon ay nagbigay na rin ng pahayag ang triple-double king bilang Nuggets kasunod ng kanyang pagkakatrade mula sa Clippers.
Naiintindihan umano niya ang nangyaring proseso.
Ayon kay Westbrook, ang Denver din ang nakita niyang pinakamagandang destinasyon kasabay ng pagnanais niyang makakuha ng championship sa NBA.
Ang naturang team aniya ay laging nangunguna kumpara sa iba pang mga Western team kayat pinili niyang mailipat na lamang dito nang magdesisyon ang dati niyang team na pakawalan na siya.
Makakasama ng 35 anyos na si Westbrook sina three-time league MVP Nikola Jokić at Jamal Murray sa susunod na season.
Noong 2023-2024 season, hawak niya ang 11.1 points per game, 5 rebounds per game, 4.5 assists per game, at 1.1 steals per game. Siya ang kasalukuyang may hawak sa pinakamaraming triple-double sa kasaysayan ng NBA.