Magsisimula na ang Russia at Belarus sa kanilang “10 days of joint military drills” habang tumataas ang mga concern sa pagtatayo ng mga puwersa ng Russia sa mga Ukraine’s borders.
Sinabi ng NATO na minarkahan ng joint drills ang pinakamalaking deployment ng Russia sa ex-soviet Belarus, mula noong cold war.
Tinawag ng US ang mga drills na isang “escalatory” na aksyon sa nangyaring tensyon sa Ukraine.
Paulit-ulit na itinanggi ng Russia ang anumang planong salakayin ang Ukraine sa kabila ng pagkakatipon ng mahigit 100,000 tropa sa border.
Ngunit ilang mga Western Countries kabilang ang US ay nagbabala na ang isang pag-atake ng Russia ay maaaring dumating anumang oras.
Ang mga diplomatikong pag-uusap na naglalayong lutasin ang “conflict” ay inaasahan sa buong Europa sa Huwebes.
Nasa 30,000 Russian troops ang inaasahang makikibahagi sa mga pagsasanay sa Belarus.
Inilarawan ng isang tagapagsalita ng Kremlin ang magkasanib na mga drills bilang seryoso, na nagsasabing ang Russia at belarus ay naghahanda sa “unprecedented threats”.