Nagsimula na ang kauna-unahang joint patrol sa north Pacific Ocean ng Russia at China.
Kabilang dito ang Bering Sea na malapit sa karagatan ng Alaska.
Ang dalawang bansa ay makaliang ulit na nagsagawa ng joint patrols sa mga nagdaan at regular na lumilipad ang bombers ng Russia sa Bering Sea.
Ito ang unang pagkakataon na nagsama ang dalawa sa north Pacific Area.
Nilinaw ng dalawang bansa na wala silang anumang target sa nasabing operasyon.
Ayon naman sa US-Canadian North American Aerospace Defense Command (NORAD) na kanilang na-intercept ang ilang mga bombers sa international space subalit hindi naman aniya ito banta.
Pinuna naman ni Alaska Senator Lisa Murkowski na ang pagyayari at sinabing isa itong provocation.
Iginiit naman ng China na walang kinalaman ang kanilang operasyon sa nagaganap na international at regional situation.