-- Advertisements --

Kapwa idineklarang kampeon ang Russia at India sa online Chess Olympiad.

Ito ay matapos na nagreklamo ang dalawang Indian players na nawalan sila ng internet connections sa kasagsagan ng final round.

Dahil sa apela ay nagpasya ang organizers na ideklara ang dalawang bansa na kampeon.

Ayon kay Arkady Dvorkovich, ang pangulo ng International Chess Federation, na ang pangyayaryi ay talagang hindi maiiwasan.

Nasa 160 bansa ang kasali nasabing tournament na isinagawa dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.