-- Advertisements --
Nagtapos na ang dalawang araw na pagbisita sa Russia ni North Korean leader Kim Jong Un.
Bago ang tuluyang pag-uwi ng North Korean Leader ay dadaanan muna nito ang dalawang lungsod ng Russia na Vladivostok at Komsomolsk-on-Amur.
Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na naging mabunga ang pag-uusap nina Russian President Vladimir Putin at ang North Korean Leader.
Natalakay nila ang posibilidad na magkaroon ng military co-operation kung saan tiniyak ng Russia na tatalima sila sa international obligations.
Inalok ng Russia ang North Korea na mayroong itong mga produkto para sa pagpapaunlad ng kanilang agrikultura.
Una ng tiniyak ng North Korean Leader na suportado niya ang desisyon ni Putin lalo na ang paglaban sa imperialism.