-- Advertisements --

Nagtala na ang Russia ng unang kaso ng Omicron coronavirus variant.

Ayon sa Russian health regulator na Rospotrebnadzor na mayroong 10 katao na galing sa South Africa ang nagpositibo sa COVID-19.

Nauna ng inatasan ni Russian President Vladimir Putin ang kaniyang gobyerno na pagplanuhang mabuti ang paglaban sa COVID-19.

Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng sapat na supplies ng gamot, oxygen at hospital beds.

Nauna rito ay naitala na rin sa Thailand ang unang kaso ng Omicron variant.

Isa umanong US citizen na bumiyahe sa bansang Spain noong nakaraang buwan ang nagpositibo sa COVID-19.

Nagsasagawa na ng health officials ng Thailand ng pag-trace sa mga nakasalamuha ng 35-anyos na lalaki na galing Spain.