-- Advertisements --
Russia and Turkey
Pres. Putin and Pres. Erdogan/ Twitter image

Nagkasundo ang Russia at Turkey na itiigil muna ang labanan sa northern Syria.

Ito mismo ang naging resulta ng pag-uusap nina Russian President Vladimir Putin at Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Ang nasabing kasunduan ay bubuo ng security corridor sa M4 highway sa northern Syria sa darating na Marso 15.

Layon ng nasabing kasunduan ang pagpapahinto ng mga matinding labanan sa Idlib, ang northwestern province ng Syria.