-- Advertisements --

Parehong nakapagtala ng mataas na bilang ng mga casualties ang mga bansang Russia at Ukriane sa Donbas region.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng dalawang bansa duloy pa rin ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine na nagsimula noong nakaraang taon.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na wala pang isang linggo mula noong March 6, 2023 ay umabot na sa mahigit 1,100 ang bilang ng mga tropa ng Russia ang kanilang napatay sa Bakhmut sector.

Habang aabot din aniya sa 1,500 Russian forces naman ang nagtamo rin ng “sanitary losses” o sugatan.

Bukod dito ay dose-dosenang piraso din aniya ng kagamitan ng kanilang mga kaaway ang nawasak gayundin ang nasa mahigit 10 Russian ammunition depots.

Samantala, sa bukod na pahayag ay sinabi naman ng Defense ministry ng Russia na nagpapatuloy ang isinasagawang military operations ng kanilang tropa sa Donetsk region, at maging sa Luhansk region.

Anila, aabot sa mahigit 220 Ukrainian service members naman ang napatay ng mga tropa ng Russia sa nakalipas lamang na 24 oras habang nawasak din nito ang isang infantry fighting vehicle ng Ukraine, tatlong armored fighting vehicle, pitong sasakyang, at gayundin ang isang D-30 howitzer.