Nagsagawa ng malakihang prisoners swap ang Russia at Ukraine sa gitna ng nagaganap na territorial wars ng dalawang bansa.
Nasa 206 na bilanggo ang na swap at pangalawa na sa loob lamang ng dalawang araw.
Ang prisoners exchange ay dahil sa tulong ng United Arab Emirates na nakipagnegosasyon sa Russia para mabawi ng Ukraine ang kanilang mga militar na naging prisoners of war sa naging pag atake ng Russia sa border ng Kyiv noong Hulyo ngayong taon.
Sa isang mensahe naman ay kinumpirma ng Ukraine President Volodymyr Zelensky ang balita at sinabing “our people are home.”
Kasunod ng mga mensaheng ito sinabi din ni Zelensky na matagumpay at ligtas nila naibalik sa Ukraine ang mga ito.
Samantala, kasalukuyan naman na nagsasaya ang mga residente sa naging pagbabalik ng kaniang mga kababayan.
Nag-post din ang Presidente ng mga larawan na ang mga ito ay nakabalot ng sagisag ng Ukraine habang niyayakap ang isa’t isa sa tuwa. (BEA PANEZA)